Philippine Information Agency
22 Jan 2021, 18:38 GMT+10
DAET, Camarines Norte, Enero 21 (PIA) -- Maaari nang simulan ang biyahe ng mga bus at van sa Camarines Norte ganundin ang mga papasok at palabas sa lalawigan simula sa unang linggo ng Pebrero kung makakatugon ang mga operators sa mga requirement sa Special Permit.
Ito ang kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pamamagitan ni Record Officer Bjorn Jarvis Salvador sa isinagawang consultative meeting sa Audio Visual Center (AVR) ng kapitolyo noong Enero 18 ngayong taon.
Bago ang pagbubukas muli ng mga biyahe, sisiguraduhin ng LTFRB na maayos ang dokumento ng mga Public Utility Vehicles (PUV) upang mapadali ang mga papeles sa naturang tanggapan.
Kaugnay nito, inalok ni Gobernador Edgardo A. Tallado ng pansamantalang tanggapan sa AVR ang LTFRB para sa pagpoproseso ng mga aplikasyon katulad ng application for confirmation of units for purposes of renewal of registration, application for OR Petition for extension of validity of franchise, dropping of units at acceptance for late filing of petition for extension of franchise.
Ang LTFRB ay magsasagawa rin ng ebalwasyon ng mga isusumiteng Special Permit, Application for Consolidation at Modernization Program.
Niilinaw rin na tanging mga kooperatiba at korporasyon lamang ang bibigyan ng Special Permit.
Unang hiniling ni Gobernador Tallado na mapayagan ang muling pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan maging palabas at papasok ng lalawigan kalakip ang pagsunod sa Minimum Health Protocols sa COVID-19.
Kabilang na ang 60% passenger capacity sa loob ng Camarines Norte, 50% passenger capacity mula Camarines Norte palabas ng lalawigan at dadaan sa mga Quarantine Control Checkpoints at magsusumite ng mga required documents at kailangang nakasuot ng facemask at faceshield.
Kaugnay nito, inihahanda na rin ng pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng tanggapan ng Community Affairs Office (CAO) ang Online Travel Pass Application dulot ng inaasahang pagtaas ng bilang ng mga taong papasok at lalabas ng Camarines Norte dahil sa muling pagbubukas ng biyahe.
Ang iba pang detalye at kabuuan ng mga patakarang ipatutupad ay nakapaloob sa Executive Order na ilalabas ng tanggapan ng gobernador sa mga susunod na araw.
Lubos naman ang pasasalamat ni Gobernador Tallado at ng buong Incident Management Team (IMT) sa pamunuan ni LTFRB Regional Director PMajGen Antonio N. Gardiola Jr. sa naging maagang pagtugon nito sa kahilingan ng transport sector sa lalawigan. (RBM/ROVillamonte/PGCAO-PIAV/Camarines Norte)
Get a daily dose of Brazil Sun news through our daily email, its complimentary and keeps you fully up to date with world and business news as well.
Publish news of your business, community or sports group, personnel appointments, major event and more by submitting a news release to Brazil Sun.
More InformationRIO DE JANEIRO, Brazil - Shares of state-owned oil company Petrobras fell 22 percent on Monday, wiping out $13 billion ...
New Zealand will dive straight into the deep end when they open their bid for a fourth Rugby World Cup ...
The Springboks will open their 2023 RWC account against Scotland in Marseille on 10 September 2023.The Boks will then tackle ...
© Provided by Xinhua On Wednesday, a shipment of the Chinese vaccines arrived in the Latin American country from Beijing. ...
New Delhi [India], February 26 (ANI): Bharat Biotech International Limited on Friday confirmed that the company has signed an agreement ...
Colombo [Sri Lanka], February 26 (ANI): Sri Lanka has put Chinese Sinopharm's COVID-19 vaccine on hold and will use India-manufactured ...
NEW YORK, New York - U.S. stocks were like a tug of war Friday. Industrials lost ground, while technology stocks ...
WASHINGTON, DC - Several payment services belonging to the U.S. Federal Reserve came to a standstill on Wednesday, including the ...
SYDNEY, NSW, Australia - Shares across Asia were slammed on Friday sending the major indices tumbling."The bond market is signalling ...
The US is witnessing the strongest housing market boom since 2014, with record-low mortgage rates and a limited supply of ...
NEW YORK, New York - U.S. stocks tumbled on Thursday as U.S. Treasury yields rose. sparking inflationary fears.Technology stocks took ...
The winter storms that have swept across the U.S., particularly Texas, upending the energy market and knocking out power for ...